Sa eksklusibong panayam ni PEP Troika Gorgy Rula, inamin ni Kylie Padilla na naapektuhan siya sa nangyaring trahedya ng isang ina at tatlong anak na nangyari sa Sta. Maria, Bulacan, kamakailan.

BABALA: SENSITIBONG PAKSA: Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad na rumesponde sa trahedya, sinilaban diumano ng ina ang tatlo niyang anak na lalaki na edad 6, 3, at 1 taong gulang matapos buhusan ang mga ito ng paint thinner. Pagkatapos ay ginawa rin ito ng ina sa kanyang sarili. Nasawi silang lahat sa pangyayari.

Kuwento ni Kylie, naka-relate siya sa nangyari sa ina na nakaranas muna ng post-partum depression bago naganap ang trahedya. Pinagdaanan din daw kasi niya ang post-partum depression.

Ang pagkaapekto kay Kylie ng nakalulungkot na balita ang siyang nagtulak sa kanya para mag-post tungkol sa post-partum depression at manawagan tungkol dito at sa pagpapalawig ng maternity leave at pag-aalaga sa mga inang bagong panganak.

#kyliepadilla #postpartumdepression #pepvideo

Video: Gorgy Rula
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv

Read the latest in showbiz at http://www.pep.ph

Watch more videos at https://www.pep.ph/videos

Follow us!
Reddit: https://www.reddit.com/user/pepalerts/.
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Kumu: pep.ph

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts